Update on the anticipated wedding of Judy Ann Santos
The blogosphere has set the wedding date of Juday and Rye on May 4 but the lovely couple didn't even know it. Here is the latest update from Juday herself:
Marami nang nagsilabasang petsa tungkol sa kasalan nila ni Ryan Agoncillo, kaya tinanong namin ang dalaga tungkol dito. “Wala pa, wala pang detalye, hindi pa namin masimulan kasi tinatapos pa naming ayusin yung bahay. So far kung meron naman, mangyayari naman yun eh, mangyayari naman because hindi din naman magarbong kasalan ang gusto namin, so isang simle, eleganteng kasal so hindi rin naman kailangan ng mahaba-habang preparasyon kung saka-sakali, so basically wala pa talaga.”
Pinabulaanan din ni Juday ang napabalitang sa May 4 na nga ang kasalan. Nagtataka rin siya kung saan nanggaling ang mga balitang ito. “Oo, hindi ko alam kung saan nangagaling yan.” Pero na-consider ba nila ang petsang May 4? “Yung May 4 kasi, yes kinonsider namin yun,pero since May 4 is a sign of death sa feng shui, kaya siyempre hindi namin kinonsider yun. Ano yun eh, well playing it always by ear kasi nga kung makakabili ng bahay, nakadepende kami talaga sa bahay, sa future namin. Kasi kung kaming dalawa lang ni Rye secured naman kami sa isa't isa eh, hindi naman talaga kami nagmamadaling magpakasal it's just that yung future naming dalawa ang kailangan naming siguraduhin.”
Ipinaliwanag din niya na hindi sila nagmamadaling magpakasal ng boyfriend. “Madaliang pagpapakasal? Everybody naman wants naman to have their own families di ba. At sa lahat naman ng relasyon na seryoso, palagi yang napag-uusapan na bumuo ng sarili ninyong pamilya, kung paano niyo bubuuin yun, kailangan ninyong planuhin ng maayos.”
Inusisa din namin ang dalaga sa mga tsismis na hindi pa raw nila naipaalam sa manager niyang si Alfie Lorenzo ang planong pagpapakasal at diumano masama ang loob nito sa dalawa, malinaw na ipinaliwanag ito ni Juday. “Eh kami nga wala pang alam eh, alam mo may mga importanteng tao sa buhay namin na hindi mo puwedeng hindi i-involve. Kung may mga bagay man na pagtatampo or something nasasabi nila yun kasi siguro kahit sila rin hindi makapaniwala. Pero sa amin kasi ni Rye anything is possible eh, di ba? Kung gusto mo naman ng simpleng wedding eh di simpleng wedding bakit kailangang garbuhan mo pa.” [Arniel Serato/ABS-CBN]
0 comments:
Post a Comment