WE'VE MOVED!

This site have moved to a new location. You will be redirected to its new home in about 8 seconds. Please update your Bookmarks to reflect the new address and follow us there!

Tuesday, March 3, 2009

Sharon Cuneta owns a bag worth millions


Sharon deserves to reward herself for her 30 long years of hard work. Her collections of the most expensive bags in the world alone could make her the richest woman in the Philippines today. Go here to find out more about the bag.
Ayon sa Showbiz News Ngayon, nakakalula daw na P3 milyon ang halaga ng Hermes Birkin bag ni Megastar Sharon Cuneta, ang isa sa mga pinakasikat na brand ng bags sa buong mundo. Hindi ito gawa sa ordinaryong leather lamang, kundi gawa ito sa crocodile skin. Paliwanag ni Sharon, wala raw sa original plan niya na bilhin ang bag nang magpunta siya sa abroad. Nakumbinsi umano siya ng isa niyang kasamahan nang sabihin nito sa Megastar na isipin naman ang sarili. “Oo nga ‘no? ‘Pag nagsa-shop ako abroad, (I buy for) my children, my husband my friends. Kasi feeling ko, I was never really a bag (or) a shoe person,” paliwanag ni Shawie. “Parang feeling ko, I’m more for the classic stuff. Whatever lasts. Clothes and priority ko lalo na nung payat ako talaga. That’s what I miss.”

Paliwanag pa ng aktres na deserve naman niya ito lalo pa’t 30 years na siya sa showbiz. Hindi naman ito masasayang dahil maaari niyang ipamana ang nasabing gamit dahil mayroon siyang tatlong anak na babae. Sinabi rin ng kanyang anak na si KC Concepcion na deserve ito ng kanyang mommy dahil pinagpaguran naman niya ito. May katumbas din naman daw itong pagtulong sa favorite foundations ni Sharon kaya ayos lang.

Samantala, nilinaw ng SNN host na si Kris Aquino na hindi si Sharon ang nag-declare na P3M ang nasabing Hermes bag kundi gumawa sila ng sarili nilang research. Ibinulgar din ni Kris na nabalitaan niyang may isang dosenang mamahaling bag pa ang Megastar. [ABS-CBN]

0 comments:

Post a Comment

Thank you for your comment.

Related Posts with Thumbnails

  © Free Blogger template Do you like my template? Get if from Ourblogtemplates.com 2008 | Showbiznippets 2008-2010

Back to TOP