Pokwang clears misunderstanding with show producer
Because Pokwang is so hot and in demand these days, she's expected to be followed by so many controversies. Pokwang is an easy person to deal with, and she will never do anything to hurt her reputation. She's one of the nicest person in the industry so, on issues like this, you can be sure that Pokwang is and always tells the truth. Also, to be more clear, Pokwang has an issue with a producer not with the poeple of Olongapo, meaning, Pokwang's new album, "Pokwang, ang Album na May Puso" will not and will never be banned in OlongapoNakausap ng ABS-CBN.com ang singer-comedienne na si Pokwang at nilinaw nito ang isyu regarding sa pang-i-isnab daw nito sa isang producer ng isang show-commitment sa Subic on March 17. Diumano'y may offer sa comedienne na magso-show siya sa takdang date but lately, nagkakaroon daw ng problema ang Dream Out Loud Productions dahil sa pag-atras ni Pokie (palayaw sa singer-host). "Wala akong tinanggihang show. Sila ang may problema at hindi ako," paliwanag ng Wowowee host.
Klinaro ni Pokey na ang tinanggihan niya ay ang title ng show, dahil nais ng producer na "Pooh-kwang" ang gamiting title. "Ang sabi ko, hindi pwede ang Pooh-Kwang dahil sa ASAP 'yon," meaning ang ASAP Productions ang nagma-may-ari ng title na Pooh-Kwang. Balita rin kasing may repeat pa ang said show sa MusicMuseum this year. Nairita si Pokey dahil isnulat na siya'y nag-iinarte at nagma-maldita. "Saan nila nakuha yong salitang nagma-maldita ako? " diin pa ni Pokwang. Sabi niya, dapat daw ay kinausap muna siya ng writer bago ito isulat dahil apektado siya at ang kanyang propesyon. "Alam n'yo naman, kahit na kendi (honorarium) lang kung makakatulong sa charity, papayag akong mag-show ng libre. Nagugulat kasi ako, na kung anu-ano ang lumalabas? Sana, klaruhin muna nila at hindi ‘yong kung anu-ano ang isnusulat? Porke ba't artista kami, public figure lahat na ng dapat isulat, mati-take namin? Na, kahit maaktan kami, okay lang? Hindi naman tama 'yun. Tao din kami, nasasaktan." muli pang sumbong ni Pokie. "Alalahanin nila na may kamag-anak din akong nakakabasa at nasasaktan."
The height pa sa nasulat na ipapa-ban daw sa Olongapo ang album niyang Pokwang, ang Album na May Puso? “Bakit naman nila iba-ban yong bagay na hindi naman nakakasama sa industriya at nakakatulong pa? Ang ipa-ban nila, ‘yong mga nagda-drugs!" himutok pa ng komedyana. "Baka akala nila, bf ko si Obama," biglang patawa ni Pokey.
Ito pa ang official statement ng Star Magic regarding sa issue.
Ito po ay tungkol sa mga nasulat ni Mr. Benny Andaya kahapon (March 2,2009) sa Balita at ngayon (March 3, 2009) sa Bagong Tiktik tungkol kay Pokwang. Nais lang po namin linawin ang issue.
Noong mga late 2008 o early January 2009 unang pumasok ang inquiry sa handler ni Pokwang para sa March 25, 2009 show sa Subic . Dahil libre naman si Pokwang sa araw na iyon, okay na tanggapin ang inquiry kaya nagpadala ang Star Magic ng unsigned Agreement o Contract kay Melai Sarmiento, ang booking agent ng nasabing show. Unsigned ang contract dahil patakaran ng Star Magic na ang Producer ang unang pipirma sa mga contracts. Nang matanggap ng booking agent ang contract, mas mababa raw ang napag-usapang talent fee dahil charity show naman daw ang event. Ipinaalam na babaan ang talent fee ni Pokwang at pumayag naman ang Star Magic. Nasabihan ang booking agent na ok na ang mas mababang talent fee. Sabi ng
booking agent na willing sila na magbigay na ng downpayment at hinihingi na rin ang bagong contract na nagsasaad ng mas mababang talent fee. Ang naging problema, may nagtanong sa Star Magic kung may negotiations para kay Pokwang sa isang show sa Subic dahil ayon sa mga posters at tickets, ang title pala ng show ay Poohkwang. ASAP Live ang may rights sa nasabing
title at hindi maaring gamitin ng iba. Dahil wala pa namang napirmahang contract, ang desisyon ay huwag ng gawin ni Pokwang ang show dahil may problema nga sa title.
Matapos ng ilang linggo, may nagsabi kay Pokwang na may show pala siya sa Subic ngayong March 17. Nagtaka ang komedyana kaya tinanong niya sa kanyang handler kung meron nga siyang booking. Nang sabihin sa kanyang wala, minabuti ni Pokwang na iannounce sa Wowowee na wala siyang show sa Subic sa March 17. Maayos naman na ang usapan ng Star
Magic at ng producer tungkol sa misunderstanding kaya nakapagtataka na may mga lumalabas na issue ngayon. Saka, hindi dapat si Pokwang ang i-nega dito dahil wala naman siyang alam sa mga usapan tungkol sa show. Sana matapos na ang usapin tungkol sa issue na ito.[Ador Saluta/ABS-CBN]
0 comments:
Post a Comment