Ayon kay Alfie Lorenzo ng Abante:
UMIIRAL na naman ang inggit mula sa ibang kampo riyan, at heto at nagpapakalat sila na kesyo hindi raw tinalo ng When I Met U ang unang movie nina Richard Gutierrez at KC Concepcion. In short, sinisiraan ng mga inggitero-inggitera riyan ang KC at Richard.
Ay naku, deadma na lang ang Regal Entertainment at GMA Films diyan, dahil para sa kanila, lumampas pa sa inaasahan nilang kita ang kinita ng When I Met U.
Aba, nung Valentine’s Day alone lang daw, the Richard and KC-starrer earned a whopping 25 million pesos in total gross, and is now on its way towards a record-breaking performance at the box-office.
Sa tantiya ni Annabelle, naka-80 million pesos na sa loob ng isang linggo ang When I Met U.
Anyway, ang importante rin para sa mga producers ng movie ng dalawa, lahat ng nanood ng movie nila ay umuwi sa kanilang mga bahay na masaya.
Showing pa rin ang When I Met U sa mga sinehan.
Continue Reading...