Mommy Divine, the woman behind Sarah Geronimo's success
Nakikilala ang ina ni Sarah Geronimo na si Divine dahil sa kasikatan ng Popstar Princess. Ilang commercials na rin ang nagawa niya kasama si Sarah. At kaakibat rin nito ay ang pagkakadawit niya sa mga intriga. Maraming mga nasusulat ng negatibo patungkol kay Mommy Divine, kabilang na rito ang umano’y masyadong mahigpit at sobrang bantay ang ginagawa nito sa anak. At sa lahat ng mga ibinabatong intrigang ito ay nanatiling tahimik lamang siya. Subalit sa isang panayam kamakailan kay Mommy Divine, makikita na ang ginagawa lamang niya ay ang natural na pag-aalaga ng isang ina sa anak laban sa mga posibleng makasasama dito.
Ayon kay Mommy Divine, natural lamang na maging protective siya kay Sarah lalo pa’t babae ito. “Kung papabayaan mo siya (Sarah) sa showbiz, kawawa naman,” simula ni Mommy Divine. “Sa showbiz ‘pag pinabayaan mo, lalo na babae, may tendency na napapasama.” Depensa pa ni Mommy Divine, maraming mga artista ngayon ang napasama, na sana ay napigilan kung nagkaroon ng tamang pag-gabay. “Kasi ‘yung iba na napasama hindi naman niila gusto ang nangyari sa kanila. Nasa pag-iingat ‘yan,” paliwanag niya.
Pinaghirapan umano ni Sarah ang tagumpay na tinatamasa niya ngayon at nakaantabay umano si Mommy Divine upang masigurado na hindi masayang ang biyayang ipinagkaloob sa kanya. “Walang kuwenta ang lahat ng bagay na maa-achieve kung mapapabayaan. ‘Pag hindi mo siya tinutukan, baka attitude ang magbago. Importante na may nagsasabi agad (kapag mali ang ginagawa),” sabi pa nito.
Nang tanungin naman sa showbiz mom kung ano ang ikinakatakot niyang marinig sa anak at ikinakatakot niyang sabihin sa anak pagdating ng panahon, ito ay ang mga salitang “Bahala ka na sa buhay mo.” [ABS-CBN]

0 comments:
Post a Comment