WE'VE MOVED!

This site have moved to a new location. You will be redirected to its new home in about 8 seconds. Please update your Bookmarks to reflect the new address and follow us there!

Thursday, June 25, 2009

The real score between Kim Chiu and Gerald Anderson, reel or real?


Hindi na mapigilan ang pagsikat nina Kim Chiu at Gerald Anderson. Sa ikatlong pagkakataon, ginawaran ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Inc. ng parangal na Most Popular Loveteam of Movies and Television sina Kim at Gerald. Tuloy-tuloy din ang pagtaas ng ratings ng kanilang show sa Primetime Bida na Tayong Dalawa sa Metro Manila man o Nationwide. Kasabay nito, hindi rin mapigilan ang mga detractors nila at sinasabing gimik lamang daw ang lahat ng ito. Nakausap ng ABS-CBN.com si Gerald sa pictorial ng kanyang bagong show na Agimat at nilinaw niya ang mga issues. Kamakailan kasi ay ni-reveal ni Willie Revillame sa noontime show niyang Wowowee na nasaksihan niya mismo ang pagbibigay ng flowers ng binata kay Kim sa Wowoweelympics na ginanap sa Araneta Coliseum. Nasulat na 'orchestrated' at 'rehearsed' daw ang pangyayaring ito. 'Nung nagpapraktis pa lang sila Kim, nagdala ako ng flowers. Galing kasi si Kim sa Bangkok at tatlong araw na kaming hindi nagkikita. Hindi ko alam na naduon pala si Willie. Tapos, nakiusap sa kin si Willie lumapit siya sa akin sabi niya can you do this sa Wowoweelympics? so ayun', paliwanag ni Gerald. Ang mga Kimerald (tawag sa mga tagahanga nina Kim at Gerald) naman, na-aalarma na at patuloy ang mga tanong sa kanilang websites kung magsasama ba muli sila sa susunod na project ni Gerald na Agimat...Mga Alamat ni Ramon Revilla. Gaganap si Gerald bilang 'Tiyagong Akyat', isang siga na may angking liksi at tapang na papasahan ng agimat kaya't magiging 'bullet proof' at 'knife proof'. 'Gusto ko sana si Kim talaga ang leading lady ko dito.Siguro if hindi bagay yung role kay Kim or if its not for Kim, tatanggapin ko na lang and I'll still do my best,' hiling ni Gerald. Ngunit niliwanag ni Gerald na hanggang ngayon ay wala pang definite na gaganap na leading lady niya para sa serye. Handa na nga ba siyang maghiwalay sila ni Kim sa trabaho? 'Well see excited din ako pero in a way nakakalungkot kasi sa taping hindi ko makakasama si Kim. I am sure Kim's gonna do something na mag-isa lang siya o may ibang kasama' Gusto ko sana mas marami pa kaming projects na magkasama kami', sagot ni Gerald. Sa isyu naman na hindi raw talaga sila mag-m.u. at gumigimik lang, eto na lang ang nasabi ni Gerald,'You guys believe it or not, it's up to you.' [ABS-CBNNews]

0 comments:

Post a Comment

Thank you for your comment.

Related Posts with Thumbnails

  © Free Blogger template Do you like my template? Get if from Ourblogtemplates.com 2008 | Showbiznippets 2008-2010

Back to TOP