Charice is rubbing elbows with Hollywood stars
Charice is so amazing! She is truly one of a kind. Who wouldn't be proud of her for all her achievements in such a short period of time. It seems like only yesterday when she was still struggling, her musical talent was not being noticed much and no good breaks were coming her way. But now, just look at who she’s rubbing elbows with:
Rubbing elbows with the Hollywood stars na ang pride ng ating bansa na si Charice Pempengco nang ibinalita sa Showbiz News Ngayon kamakailan na marami siyang nakilalang mga international celebrities during a post Oscar Awards party na pinangunahan umano ni Oprah Winfrey. Naimbitihan si Charice at nakilala niya ang mga pangunahing bida ng Oscars Best Picture Slumdog Millionaire, Best Actress Kate Winslet, Best Actor Sean Penn at iba pang nanalo sa Oscars.
Isa rin sa mga hindi malilimutang experience umano si Charice during the event ay nang lumapit ang controversial heiress na si Paris Hilton sa Pinay singer para sa isang photo opportunity. “After the Oscar party lumapit lang sa akin ‘yung PA (personal assistant) ni Paris sabi niya, ‘Did you meet Paris?’ Sabi ko, ‘Not yet.’ Pagtingin ko nandun si Paris. Napanood na pala niya ako sa Oprah at sa isang event. Nagpa-picture siya sa akin. Tapos cute na cute siya akin. Gusto niya akong iuwi para daw akong key chain,” masayang pagbabahagi ng batang singer.
Malaking bagay umano para sa kanya na lapitan siya ng kilalang Hollywood figure na kontrobersyal man ay naging mabait ang pakikitungo sa kanya. Nakilala rin ni Charice ang kinababaliwan ngayon ng mga kabataan, ang Jonas Brothers. “Ayokong ipakita na nababaliw ako sa kanila. Sila ‘yung unang nagpakilala,” kuwento ni Charice. “Pinakamabait sa kanila for me ‘yung youngest, si Nick. Lumapit siya sa akin, talagang super gentleman siya. Inabot niya agad ‘yung kamay niya sa akin sabi niya, ‘Hi, I’m Nick.’ Sabi ko, ‘I’m Charice.”
Subalit higit sa lahat, na-starstruck umano ang dalagita nang mahawakan niya ang isang Oscar statue at makapagpa-picture kasama ito.[ABS-CBN]
0 comments:
Post a Comment