Kris Aquino and Dra. Vicki Belo reconcile on Showbiz News Ngayon
Both Kris and Boy reconciled with Vicky Belo in an interview at SNN last night. It wasn't clear what went wrong in their relationships or what did Vicky do to cause Kris and Boy to move to Dr. Calayan. In the interview, you can feel the hurts they caused Vicky. Here is the full report of Napoleon Quintos.
Sa exclusive ng Showbiz News Ngayon ay nagkaharap na sina Kris Aquino at Dra. Vicki Belo matapos ang matagal na panahong hindi pag-uusap.Bago ang interview ay inamin ni Dra. Vicki na kabado siya sa muling pagharap kay Kris, ngunit excited din siyang makita ang TV host dahil miss na niya ito.“Lagi ko naman sinasabi na nami-miss na kita.Napakasaya mong tao.I learned a lot from you…like the best hair, the best feng shui (laughs).”Nagsilbing tulay sa nasabing pag-uusap ang common friend ng dalawa na si Willie Revillame na kamakailan lamang ay nakapanayam ni Kris sa engrandeng yate ng Wowowee host.
Nagsanga ang landas ng dalawang dating magkaibigan nang umalis si Kris sa poder ni Vicki at lumipat sa ibang beauty clinic.Dahil na rin sa hindi pag-uusap ay inakala ng marami na nagkaroon ng samaan ng loob sina Kris at Dra. Vicki.Pero ikinuwento ni Kris na kahit sino man ang magtanong sa kanya ay lagi niyang sinasabi na wala siyang galit kay Dra. Vicki.Pero ang ‘Doctor to the Stars,’ umaming nasaktan sa paglipat ni Kris.“I got hurt with you too.Nag-text ka.Ang ganda ng break natin.‘Thank you, doktora, for everything.I really love my body.’And then lumabas ‘yung billboard mo (ang tagline) ‘I deserve better.’(Natanong ko) akala ko ba okay kami?Kilala kita.Kung hindi mo gusto ‘yung copy sasabihin mo at hindi nila ilalabas ‘yun.Ang sabi ko bakit pa siya nag thank you for everything?”Ngunit agad namang nagpaliwanag si Kris, “In my total defense.Have I ever thanked anybody else for any body work?”Agad naman itong napagtanto ni Dra. Vicki.
Lumamig din ang pakikisama ni Dra. Vicki sa matalik na kaibigan ni Kris na si Boy Abunda at ito ay dahil din sa desisyon ni Boy na lumipat kay Dr. Manny Calayan, ang mahigpit na kumpetensya ni Dra. Vicki.Nagpadala ng mensahe si Boy kay Dra. Vicki sa pamamagitan ni Kris.Ayon kay Boy, sa kabila ng lahat ng nangyari, ni minsan ay hindi siya nagsalita ng masama laban kay Dra. Vicki, publicly man o privately.“I did get hurt.Well you (Kris) know naman what happened.You were right in the middle of everything.Thank you Boy for not saying anything bad about me.Neither did I say anything bad about him.It’s sad because it was a long friendship,” sabi Dra. Vicki.
Hindi naman maiiwasan na ang doktor na tanyag sa pagreretoke ang matanong kung siya mismo ay may ipinagawa na sa kanyang katawan.Buong kumpiyansa namang iniisa isa ni Dra. Vicki ang kanyang mga ipinaretoke, gaya ng mata, ilong, liposuction sa mga braso, binti, at tiyan, at botox sa magkabilang panga.Pero ang kanyang boobs ay nananatiling tunay at nagpa-breast reduction lang siya.
Abangan ang paglalahad ni Dra. Vicki sa mga tunay na pangyayari sa likod ng kanyang kontrobersyal na pakikipaghiwalay kay Dra. Hayden Kho.Biyernes ng gabi sa Showbiz News Ngayon pagkatapos ng Tayong Dalawa.
0 comments:
Post a Comment