WE'VE MOVED!

This site have moved to a new location. You will be redirected to its new home in about 8 seconds. Please update your Bookmarks to reflect the new address and follow us there!

Monday, February 16, 2009

Judy Ann Santos, Ryan Agoncillo have new shows

Alfie Lorenzo reported in Abante-Tonight entertainment:
NAG-MEETING na kahapon sa Taste of L.A. restaurant sina Direk Joey Reyes, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo para sa kanilang sitcom sa ABS-CBN.
Heto na ang sinasabi nilang, “When it rain, it pours.” Nagteteyping pa si Juday ng nurseryeng Habang May Buhay na hindi alam kung kelan ilalabas sa ere, heto ang bagong sitcom naman.
‘Yun ay sa gitna ng paghahanap ng free days para sa shooting ng Juday-Ryan movie for Regal Films .
Nakakatawa nga, eh. Si Derek Ramsey na kapareha ni Juday sa nur­serye ay almost one year ding naburo. Nga­yong nagsimula na siyang magteyping for the nur­serye, binigyan si Derek ng dalawa pang teleserye kabilang na ang The Wedding.
Si Ryan naman ay nagkaroon ng tatlong shows: Talentadong Pinoy sa TV5, Pieta sa hapon at Pinoy Fear Factor sa gabi. Heto at papasok na ang shooting ng Regal movie nila at sitcom sa ABS-CBN.
Magkaroon kaya ng araw para sa pinakahihintay na kasal ng century?
Gulung-gulo pa si Juday sa shoot ng mga TV commercial at ang mga nag-renew ng kontrata, bukod sa tatlo pang bagong offer na pinag-iisipan pa ni Juday kung tatanggapin.

0 comments:

Post a Comment

Thank you for your comment.

Related Posts with Thumbnails

  © Free Blogger template Do you like my template? Get if from Ourblogtemplates.com 2008 | Showbiznippets 2008-2010

Back to TOP