WE'VE MOVED!

This site have moved to a new location. You will be redirected to its new home in about 8 seconds. Please update your Bookmarks to reflect the new address and follow us there!

Saturday, January 24, 2009

Why Jennylyn Mercado cried and lashed out at the press

The talk of the town today is about Jennylyn's lashing out at the press during her son's baptism. The family affair was planned to be very private and all her friends were advised to keep it a secret. But to Jennylyn's surprise, a few local paparazzis were present and were taking pictures of the baptism which caused Jennylyn to freak out and begged them to stop and to delete the pictures. So she asked how these people knew. Well, there could be three possibilities how:
- not all her so-called trusted friends can be trusted
- did she ask the church personnel to keep it secret too
- can you keep a secret from the media if you are a public figure?
I think Jennylyn’s wish should have been respected. She may be a public figure but that doesn’t give anyone the license to invade what she’s not sharing publicly. She still has the right to keep the family affair private so indeed, her reaction was expected. But what can she do about it now? Consult a lawyer about how she should handle unauthorized publishing of the photos, if ever.

Here is the full report by Morly Alinio/ABS-CBN:

Nagwawala at nag-iiyak si Jennylyn Mercado noong Sabado, January 24, sa Christ The King Church, Pasig City kaugnay sa binyagan ng kanyang anak na si Jazz. Si Jazz ay ang anak ng aktres sa aktor na si Patrick Garcia."Hindi ko alam kung paano ninyong nalaman ito, Ayoko ng ganito, please maawa na kayo," sabi ni Jennylyn sa press habang umiiyak.

Isang Lihim at sagradong binyagan kasi ang balak ni Jenn para sa anak niyang si Jazz kaya gulat na gulat siya dahil paglabas niya ng simbahan ay may ilang photographers ang nagaabang at palihim na kumukuha ng picture. "Irespeto naman po sana ninyo ang binyagan, Ayoko po ng media at this time dahil hindi naman artista ang aking anak!"sabi uli iyon ng aktres, na personal na nilapitan ang ilang photographer upang kunin ang camera ng mga ito.

Galit na galit na pinabura ni Jenn ang kuha ng ilang photographer at sa malas ay may nakalusot na isa dahil dali-dali itong tumalilis nang nagwala na ang dalaga. "Nakikiusap po ako sa inyo, Parang awa na ninyo gusto kong maging tahimik at maayos ang binyagan ng aking anak," pagmamakaawa pa nito.

Kinalma namin si Jennylyn at sa mismong balikat namin ay nag-iiyak ang dalaga. Para itong batang nagsumbong sa amin. "Lahat ng mga naririto at iba ko pang kaibigan na inimbitahan ko ay alam nila kung ano ang gusto kong mangyari. Bakit ganito," na ang naging sagot lang namin ay ganito "Hayaan mo na Jenn artista ka kasi kaya kahit anong lihim ang gawin mo ay pupuntahan at pupuntahan ka pa rin dahil balita ito."

May kung ilang minutong nag-iiyak sa aming balikat si Jenn habang tigmak ito sa luha na noong mga sandaling iyon ay wala naman kaming dalang tissue kung kaya't ang aming mga palad ang ipinunas namin sa kanyang luha. Walang artistang dumating sa nasabing binyagan maliban sa ilang basketball star at ilang pamunuan ng channel 7,"Sorry po talaga, gusto ko lang talaga kasing maging very private ang binyagan ng anak ko!" pagwawakas ni Jennylyn.

0 comments:

Post a Comment

Thank you for your comment.

Related Posts with Thumbnails

  © Free Blogger template Do you like my template? Get if from Ourblogtemplates.com 2008 | Showbiznippets 2008-2010

Back to TOP