WE'VE MOVED!

This site have moved to a new location. You will be redirected to its new home in about 8 seconds. Please update your Bookmarks to reflect the new address and follow us there!

Friday, January 23, 2009

ABS-CBN's Star Cinema reveals its line-up for 2009


by Julie Bonifacio|ABS-CBN

Nagdiwang ang buong Star Cinema Productions sa victory party ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat dahil sa success nito sa 2008 Metro Manila Film Festival. Dumating ang mga executives ng ABS-CBN at Star Cinema Producitons sa pangunguna ni Gabby Lopez, Charo Santos-Concio, Cory Vidanes at Malou Santos. Nandoon of course ang Box Office Queen at Comedy Concert Queen na si Aiai delas Alas at ng director na si Wenn Deramas. Umattend din ang dating Miss Universe na si Gloria Diaz na kasama sa tatlong magkasunod-sunod na MMFF entry ng Star Cinema na pawang mga top grosser sa festival - ang Kasal, Kasali, Kasalo, Sakal, Sakali, Saklolo at sa Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Present din ang iba pang artista sa pelikula gaya nina Shaina Magdayo, Carlo Aquino, Jiro Manio at si DJ Durano. Pero nakahabol naman si Serena Darlymple na galing pa ng eskwelahan.

As of yesterday, umabot na sa P197 million ang kinita ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat. Tinalo na nito ang box-office record ng Ang Tanging Ina na kumita noon ng P178 million at ang Kasal, Kasali, Kasalo two years ago na naka-P187 million. Tinalbugan na rin ng movie ang kinita ng A Very Special Love na highest grossing film last year na produced din ng Star Cinema. Dahil sa kinita ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat labis-labis ang pasasalamat ni MMDA Chairman Bayani Fernando, na siya ring over-all chairman ng 2008 MMFF, sa Star Cinema Productions sa success ng movie. Dahil sa Ang Tanging Ina N’yong Lahat, ang 2008 MMFF ang may pinakamalaking kinita sa ilang taon na pamamahala ni Chairman Fernando sa annual December festival.

Sa victory party ng Ang Tanging Ina N’yong Lahat, nakausap ng ABS-CBN.com ang Managing Director at ‘think tank’ ng Star Cinema Productions na si Malou Santos. Dito naihayag niya ang future projects ng Star Cinema sa film, TV and recording. Pagkatapos ng unang tambalan nina Piolo Pascual at Angel Locsin sa Love Me Again (Land Down Under) na kasalukuyan pa ring ipinapalabas sa mga sinehan, susunod naman ipalalabas ang post-Valentine presentation ng Star Cinema ang You’ve Changed My Life sa direksyon muli ni Cathy Garcia Molina. Sequel ito sa A Very Special Love na pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo. Ang susunod na movie offering ng Star Cinema ay sa buwan ng Abril na, at pagbibidahan ng Diamond Star na si Maricel Soriano, ang “T2” sa direksyon ni Chito Rono.

Magbabalik naman ang Box-Office Queen na si AiAi sa big screen this time makakasama niya sa unang pagkakataon ang nag-iisang Megastar Sharon Cuneta sa direksyon ni Direk Wenn. Ito rin ang magsisilbing Mother’s day presentation ng Star Cinema na tungkol sa dalawang ina. By June, ipapalabas ang ang isang youth-oriented movie na pagbibidahan ng tatlong loveteams ng ABS-CBN na sina Kim Chui-Gerald Anderson, Melissa Ricks-Matt Evans at Maja Salvador-Geoff Eigenmann na pinamagatang Keli-Keli.

Sa month of July naman plano ng Star Cinema ipalabas ang movie na pagsasamahan for the first time nina Bea Alonzo, Derek Ramsay at Sam Milby, ang And I Love You So sa muling pagbabalik ni Lauren Dyogi bilang movie director. Magiging birthday presentation naman ng aktor na si Aga Muhlach ang unang tambalan nila ni Angel Locsin sa Star Cinema na nakatakdang ipalabas sa buwan ng Agosto. Wala pang title ang movie pero malamang daw ay si Cathy Garcia Molina ang magdi-direk ng proyekto.

By September naman ipapalabas ang inaabangang pagbabalik ng Star For All Seasons at Batangas Governor na si Vilma Santos sa pelikula kasama for the first time ang anak na si Luis Manzano at John Lloyd Cruz. Ito rin ang comeback vehicle ng multi-awarded director na si Olivia Lamazan. Magtatambal muli sa big screen ang box-office tandem ng dating real life sweethearts na sina Kristine Hermosa at Jericho Rosales sa isang movie intended for October release. Makakasama nina Tintin at Echo ang Malaysian actress na si Carmen Soo sa direksyon ni Maryo J. delos Reyes.

Another first na tambalan sa big screen ang ihahatid muli ng Star Cinema Productions sa buwan ng November. This time, matutupad na ang dream ng maraming fans dahil matutuloy na ang first movie nina Piolo Pascual at KC Concepcion. Ang box-office at romantic director na si Cathy Garcia Molina magdi-direk ulit ng movie. And finally, magbabalik ang super bloackbuster team-up nina AiAi at Direk Wenn sa isa na naman natatanging ina na tema ng pelikula na ipapasok ng Star Cinema Productions bilang official entry sa 2009 Metro Manila Film Festival.
Bukod sa mga nabanggit, may plano rin ang Star Cinema na pagsasama-samahin sa isang pelikula sina Angelica Panganiban, Derek at Gabby Concepcion. Tinanong din namin kung kailan papasok ang comeback movie ni ex-President Jospeh Estrada na nauna ng naibalita noon. “Parang nagbago na ang isip niya at this point. At saka kasi mataba siya. Hindi siya nakapagpapayat,” pahayag ng Star Cinema head.

Kapansin-pansin din na sa hanay ng 11 pelikulang nakatakdang ipalabas ng Star Cinema this year, walang nabanggit na movie para sa exclusive actress ng Star Cinema na si Claudine Barretto. “Meron kaming naiisip na project para sa kanya. Ewan lang kung ready na siyang magtrabaho. ‘Di ba ang focus niya ngayon ang pagiging nanay niya?” Naitanong din namin ang tungkol sa movie na gagawin ni Senador Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. with Toni Gonzaga. Kinumpirma ng butihing lady executive na hindi raw ito matutuloy this year.

Samantala, nabanggit din ni Ms. Santos ang mga upcoming drama-series na ipro-produce ng Star Cinema Productions para sa ABS-CBN. Una na ang nababalitang teleserye ni Angel with Sam Milby and Derek na papalitan na ang title mula sa mga lumabas na report. Hindi na raw Buhay Ng Buhay Ko ang title pero ang official theme song daw na gagamitin ay ang kanta ni Willie Revillame, ang Para Sa ‘Yo. “Naghahanap pa kami kung sino ang pwedeng kumanta ng theme song na female singer. Iniisip nga namin si Sarah. Pero kakausapin muna namin si Vic (del Rosario, manager ni Sarah).” Susunod nila ang Lovers in Paris na first team-up nina Piolo at KC na ishu-shoot sa Paris, France. Si FM ‘Eric’ Reyes ang ina-eye nila to direct the show. Pero may mga kailangang ayusin pa raw si Direk Eric sa kanyang papeles para makaalis ng bansa.

Then, mapapanood na si Krylle sa kauna-unahan niyang teleserye sa ABS-CBN na titled Ikaw Lamang bilang kalove triangle nina Jericho at Kristine. At ang ikaapat na teleserye ng Star Cinema Productions ay pagbibidahan ng nagbabalik sa ABS-CBN na si Lorna Tolentino. Makakasama niya rito si Gabby. Pinagpipilian naman between Albert Martinez and John Estrada ang isa pa’ng aktor na kasama sa teleserye ni Lorna. Plus ang tamablan nina Shaina-Rayver at Maja-Geoff.

Last but not the least, magiging busy din ang Star Cinema para sa kanilang music department, ang Star Records. Una nang inilabas this year sa Star Records ang album ng komedyante at TV host na si Pokwang. Susundan ito ng Love Duets album nina Sam at Toni na ire-release next month. Masayang ibinalita rin ng executive na gagawa ulit ng album sa Star Records ang controversial actress na si Gretchen Barretto at ang TV host/ actress na si Kris Aquino. Nag-promise raw kasi si Kris sa kanya na gagawa siya ng album sa Star Records. Wala na rin daw kontrata si Kris sa naunang recording outfit sa last album na ginawa niya. At ang panghuli ay excited and proud na binanggit ng Star Cinema bigwig ang album ng Pinoy Dream Academy first runner-up na si Bugoy Drillon sa Star Records. Number one ngayon sa FM stations ang latest single niya na Muli, remake ng kanta ng yumaong singer na si Rodel Naval.
Indeed, gaya ng mga lumipas na taon and with the projects na naka-line-up nila from movies to recording, inaasahan na ang 2009 ay isa na namang matagumpay na taon para sa Star Cinema Productions. “Kumbaga, bukod sa maganda ang mga movies namin may mga na-create pa kami na movie teams last year na successful sa takilya like John Lloyd-Sarah and KC-Piolo. Practically, it’s a good year,” tapos ng kilalang lady executive.

1 comments:

Anonymous,  Mon Mar 23, 01:06:00 AM 2009  

hmnnn...bat walang teleserye si Toni?

Post a Comment

Thank you for your comment.

Related Posts with Thumbnails

  © Free Blogger template Do you like my template? Get if from Ourblogtemplates.com 2008 | Showbiznippets 2008-2010

Back to TOP